^

Metro

Bebot kulong sa drug buy-bust sa Quezon City

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bebot kulong sa drug buy-bust sa Quezon City
Ang drug suspect na si Laila Taup, 47, na nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District- District Drug Enforcement Unit (QCPD-DDEU) sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod.
PIO-QCPD

MANILA, Philippines — Himas-rehas ngayon ang isang drug suspect na babae makaraang makuhanan ng higit P183,000 halaga ng shabu sa isinagawang  drug buy-bust sa ­Quezon City kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ni ­Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Redrico A ­Maranan ang suspek na si Laila Taup, 47 , residente ng  Brgy. Central Diliman, Quezon City.

Ayon sa report ng QCPD-District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pamumuno ni PMaj. Wennie Ann A Cale at pakikipag-ugnayan sa PDEA, RO-NCR, ikinasa ang buy-bust ­operation dakong ika-12:00 ng madaling araw, May 9, 2024, sa panulukan ng Dahlia St. at Agham Road, Brgy. Central Diliman, Quezon City.

Bago ito, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba tungkol sa ilegal na gawain ng suspek.

Agad na bineripika ang impormasyon hanggang sa plinano at pumuwesto na ang mga operatiba.

Nakuha mula sa suspek ang 27 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P183,600.00, isang coin purse, at ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni ­Maranan si Cale at mga tauhan ng DDEU sa walang tigil na operasyon laban sa iligal na droga.

“Binabati ko ang DDEU sa tagumpay na ito. Sa Ating mga QCitizens, patuloy nyo sanang suportahan ang kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon na makakatulong sa mga police operations. Asahan po ninyong mas lalo pa naming paiigtingin ang aming kampanya kontra sa iligal na droga para maprotektahan ang ating mga kababayan,” dagdag pa ni Maranan.

 

 

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with