DOTr: Unconsolidated jeepneys ‘kolorum’ na simula Pebrero 1
MANILA, Philippines — Simula sa susunod na buwan, idedeklara nang “kolorum” ang mga jeepneys na nabigong makipag-consolidate sa mga kooperatiba o korporasyon. Ito ay alinsunod na rin sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang lahat ng mga operators na mabibigong tumalima sa konsolidasyon ay babawian na nila ng prangkisa.
Dahil dito, maaari na lamang silang bumiyahe sa mga lansangan hanggang sa Enero 31.
Ituturing naman silang kolorum simula sa Pebrero 1. Una naman nang nilinaw ni DOTr Office of Transportation Cooperatives (OTC) Chairman Andy Ortega na maaari pa namang lumahok sa mga kooperatiba ang mga operators at drivers na hindi nag-aplay para sa konsolidasyon ng prangkisa. Matatandaang pinahintulutan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga unconsolidated jeepneys na bumiyahe pa rin sa kanilang ruta hanggang sa katapusan ng Enero, habang naghahanap pa ng papalit sa kanila.
- Latest