^

Metro

Bahay ng aktres na si Angelika dela Cruz, pinasok ng magnanakaw, suspek timbog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Himas-rehas ang 19-anyos na lalaki na nanloob sa bahay  ng aktres at kasalukuyang barangay chairwoman na si Angelika Dela Cruz, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Sa ulat na tinanggap ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot, dakong alas-3 ng madaling araw nang pa­sukin ni Steven Ramos, residente ng C4 Road, Brgy. Bagong Ba­yan North, Navotas City ang bahay ng aktres sa Gen. Borromeo St., Brgy. Lo­ngos sa pamamagitan ng pag-akyat sa bakod at pagdaan sa sliding window ng bintana sa gilid ng bahay.

Pinasok nito ang kuwarto ng kapatid ni Angelika at  aktres din na si Mika dela Cruz, o Mariko Nicolette Egger Dela Cruz, 23, at sinamsam ang alahas, gadget at dolyar nito.

Subalit mabilis na   nagising si Mika at hu­mingi ng tulong sa mga kaanak ang pamilya Dela Cruz na agad nakatawag ng barangay tanod at pulis.

Nang dumating sina Pat Alexis Flores at Pat. Noel Tindugan ng Malabon Police Sub-Station 5, kasama ang mga barangay tanod ng Barangay Longos, nakita ang suspek na nagtatago  sa ilalim ng isang kama na nasa loob ng stock room.

Nakuha kay Ramos ang mga kinulimbat na alahas, gadget at dolyares na may kabuuang halagang P182,000.00 at isang patalim.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Malabon Police Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ang suspek na nakatakdang ipagharap ng kasong robbery sa Malabon City.

 

 

vuukle comment

ANGELIKA DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with