^

Metro

3 ‘killer-rapist’ ng transgender, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 ‘killer-rapist’ ng transgender, arestado
Kinilala ang mga nadakip na sina Zander dela Cruz, kababata ng biktima; Richard Elvin Araza, alyas Tiago at Joel Loyola, alyas Nonoy.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naaresto na kahapon ng mga pulis ang tatlong suspek sa panghahalay at pagpatay sa isang transgender man sa Brgy. Silang, Quezon City.

Kinilala ang mga nadakip na sina  Zander dela Cruz, kababata ng biktima; Richard Elvin Araza, alyas Tiago at Joel Loyola, alyas Nonoy.

Sila ang itinuturong suspek sa panggagahasa at pagpatay kay Norriebi Tria, alyas Ebeng Mayor, 21, isang transgender man, at residente ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Rachelle Tria, bago ang krimen ay umuwi umano ang kapatid sa kanilang bahay sa Quezon City matapos na makatampuhan ang kanyang kinakasama na nasa Pampanga.

Noong Lunes ay nagpaalam pa umano si Tria sa kanyang pamilya na lalabas at makikipag-inuman kasama ang kanyang mga kaibigan ngunit hindi na ito nakauwi pa hanggang sa matagpuan na lamang ang hubo’t-hubad na bangkay nito sa isang bangin noong Huwebes.

Nitong Biyernes naman, pumutok ang isyu nang panggagahasa at pagpatay sa biktima nang kondenahin ito ng LGBT community.

Sa isinagawang follow-up operation naman ng mga tauhan ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), inimbitahan nila si Dela Cruz matapos na matukoy na isa ito sa mga huling nakasama ni Tria bago ito nawala.

Sa harap ng mga pulis at ng ama ng biktima na si Mang Rommel Siclat, ay umamin umano si Dela Cruz na kasama siya sa mga nanggahasa at pumatay sa biktima.

Itinuro din ni Dela Cruz sina Araza at Loyola na siyang kasabwat niya sa krimen.

Inamin din umano ni dela Cruz na siya ang pumukpok sa ulo ni Tria habang ginagahasa ito ni Loyola.

Si Loyola rin aniya ang nagpasak ng kahoy sa maselang bahagi  ng katawan ng biktima matapos itong gahasain.

Matapos ang krimen ay tinangay pa umano ni Loyola ang mga alahas at mahahalagang gamit ni Tria bago itinapon ang bangkay nito.

Bago naman magtanghali kahapon ay naaresto na rin ng mga awtoridad sa Brgy. Silangan ang dalawa pang suspek na sina Araza at Loyola.

Nakapiit na ang mga suspek habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila.

ARAZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with