^

Metro

Mag-asawang natutulog sa bangketa inararo ng SUV, todas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang natutulog sa bangketa inararo ng SUV, todas
Ayon kay P/Lt. Oliver Dela Cruz, hepe ng Traffic Sector 5 ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU), ang mga biktima ay nakilala lamang sa mga pangalang Mark at Elena, kapwa walang tiyak na tirahan.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang mag-asawang mangangalakal nang araruhin ng isang SUV habang mahimbing silang natutulog sa isang bangketa sa Brgy. Old Ba­lara, Que­zon City kahapon ng mada­ling araw.

Ayon kay P/Lt. Oliver Dela Cruz, hepe ng Traffic Sector 5 ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU), ang mga biktima ay nakilala lamang sa mga pangalang Mark at Elena, kapwa walang tiyak na tirahan.

Naaresto naman si Elyboy Maraño Nodalo, 47, driver ng Nissan NP300 Pick – up na mayroon lamang conduction sticker at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in double homicide.

Sa imbestigasyon, dakong alas-12:30 ng mada­ling araw nang maganap ang insidente sa bangketa sa Tandang Sora Extension, tapat ng Vic Valley St., Brgy. Old Balara.

Mahimbing umanong na­tutulog ang mag-asawa nang bigla na lamang araruhin ng pick-up na minamaneho ni Nodalo galing ng Philcoa.

Hindi umano nakontrol ng driver and manibela at tuluy-tuloy na rumampa sa bangketa at inararo ang mga biktima, na kaagad na binawian ng buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

vuukle comment

QUICK AND THE DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with