^

Metro

MM mayor tinaningan sa paglilinis sa kalsada

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posible umanong mapaigsi pa ng hanggang 30-araw na lamang ang ibinigay na ultimatum ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga city at municipal mayors upang linisin ang mga pampublikong lansangan sa kanilang nasasakupan, mula sa lahat ng uri ng obstruction.

 Ayon kay DILG Undersecretary for Operations Epimaco Densing III, nakatakdang maglabas ang DILG bukas, Lunes, ng Memorandum Circular hinggil sa paglilinis ng lahat ng mga pampublikong lansangan laban sa mga ilegal na vendors, ilegal na istruktura at mga sasakyan na ilegal na nakaparada.

 Matatandaang una nang sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na 60-araw ang ibibigay nilang palugit sa mga alkalde upang tumalima sa kanyang kautusan, ngunit malaunan ay pinaigsi ito at ginawang 45-araw na lamang.

 Posible pa naman umano itong mapaikli pa dahil ang pinagbabasehan umano nila ay ang ginagawang paglilinis ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang nasasakupan na inabot lamang ng ilang araw.

 Magsasagawa aniya sila ng auditing, gayundin ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection, upang tukuyin ang mga ilegal na imprastraktura sa Kamaynilaan at ang iba pang urban areas sa bansa.  

MUNICIPAL MAYORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with