^

Metro

Dahil sa gas leak Gas station owners sa Makati pupulungin

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pupulungin sa Lunes (Nobyembre 5) ng pamahalaang lungsod ng Makati ang lahat ng may-ari at operator ng mga gasolinahan kaugnay ng naganap na “gas leak” sa Phoenix Petrolium Gasoline Station sa Barangay Bangkal sa lunsod na ito.

 

Ito ay matapos atasan ni Makati City Mayor Abby si acting city administrator Atty. Michael Camiña na magpatawag ng meeting sa mga may-ari ng lahat ng gasolinahan sa lungsod. 

Pinaalalahanan din ng alkalde na magsagawa ng regular na inspection sa  kanilang mga fuel line at mga imbakang tangke na  kaagad aniyang  ipagbigay-alam sa City Hall kapag may problema.

Hinimok din ng opisyal ang mga residente at iba pang stakeholder na ipara­ting ang kanilang mga concern sa pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng mga sumusunod, Facebook; MyMakatiVerified; @Mayor_Abby; Instagram: mymakati; Youtube: MyMakati;  website: na www.makati.gov.ph.

Pinuri ng alkalde  ang Makati City Fire Department at mga opisyal ng lungsod na bumubuo sa Makati Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) dahil sa kanilang mabilis na pagkilos upang maagapan ang gas leak mula sa natu­rang  gasoline station  na humalo sa imburnal o drainage system na posibleng magdulot ng panganib sa mga residente ng Brgy. Bangkal.

Matatandaan na nagpa­nik ang daan-daang residente dahil nakalanghap sila ng masangsang na amoy mula sa gas leak ng naturang gasolinahan.

vuukle comment

GAS LEAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with