^

Metro

Mismo sa Camp Crame Black Friday protest, inilunsad ng Koreans

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maglulunsad ngayong­ araw ng Black Friday Protest ang grupo ng mga Ko­reano bilang pagkondena sa pagkidnap sa negos­yan­teng si Jee Ick Joo na pinaslang sa loob mismo ng PNP Headquarters sa Camp Crame.

Ayon kay Charlie Shin, Executive Vice President ng United  Korean Community­ Association in the Philippines, bagaman tiwala silang parurusahan ng admi­nistrasyon ni Pangulong Ro­d­rigo Duterte ang mga sangkot sa krimen partikular na ang mga pulis ay hindi maiiwasang mag-alala sila sa kanilang kaligtasan bu­nga ng sinapit ni Jee.

“We are afraid and we are a little bit worried. Of course, we worry about this. (But) I believe sooner the go­vernment (would) solve this problem,” pahayag ni Shin sa PNP reporters.

Kasabay nito nanawagan­ si Shin sa pamahalaan at publiko na makiisa sa paghahanap ng katarungan ng nag­luluksang pamilya ni  Jee na dinukot noong Oktubre 18, 2016 sa Angeles City, Pampanga ng walong kidnappers kabilang ang 8 pulis.

“We are foreigners but we are living here. We trust the Philippine law and the go­vernment and this incident I believe will be sooner­ solved and that’s why I would like to request all the Philippine authorities who are brothers and sisters please help the Korean nation especially expressing condolences to the family,” ayon kay Shin.

 Inihayag ni Shin na nasa 90,000 ang mga South Korean na naninirahan sa Pilipinas  habang aabot naman sa milyon ang bilang ng ka­nilang mga turista na bumibisita sa bansa kada taon.

“We love the Philippines. We do also many social works with our Filipino friends,” ayon pa kay Shin na 17 taon ng naninirahan sa bansa.

“I believe that this will not affect Korean tourism (in Manila) and Korean investment,” ang sabi pa nito.

BLACK FRIDAY PROTEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with