^

Metro

Salutatorian hindi inisyuhan ng CGMC ng paaralan, nagpasaklolo sa CA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umakyat na sa Court of Appeals (CA) ang isang salutatorian graduate sa isang Catholic school matapos na hindi bigyan ng Certificate Of Good Moral Character ng kanyang paaralan, sanhi upang hindi makapasok sa kolehiyo.

Hiling sa inihaing Extremely Urgent Petition (for Certiorari and Mandamus with Prayer for Temporary Restraining Order/Writ of Preliminary Injunction and Motion to Submit Case for Oral Argument)  ni Krisel Mallari, 16, sa pamamagitan ng ama na si Ernesto Mallari  at ng Public Attorneys Office (PAO) na baligtarin ang naging desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 215 na kumatig sa Santo Niño Parochial School (SNPS) sa hindi pag-iisyu ng nasabing dokumento.

Ito’y dahil una nang umapela sa mababang korte ang kampo ni Mallari subalit pinanigan umano nito ang paaralan partikular ang registrar  na si Yolanda Casero.

Matatandaang na­ging viral sa social media ang na-ipost na kuha sa salutatory speech ni Mallari noong nakalipas na Marso na nagbulgar sa pandaraya umano ng isa sa honor student subalit ilang ulit ding nakita na pinatitigil siya sa pambabatikos habang nasa stage ng kaniyang adviser at iba pang school personnel.

Nais ni Mallari na iatas ng CA na mabigyan siya ng certificate na nabanggit na isa sa kailangan niyang requirement sa pagpasok sa University of Sto. Tomas kung saan siya pumasa sa slot ng accountancy course.

CERTIFICATE OF GOOD MORAL CHARACTER

CERTIORARI AND MANDAMUS

COURT OF APPEALS

ERNESTO MALLARI

EXTREMELY URGENT PETITION

KRISEL MALLARI

MALLARI

ORAL ARGUMENT

PAROCHIAL SCHOOL

PUBLIC ATTORNEYS OFFICE

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with