Mag-ina na-sandwich ng jeep at AUV
MANILA, Philippines - Isang mag-ina ang sugatan makaraang maipit sa nagbanggaang isang UV express at sasakyan sana ng mga una na pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Quezon City Police District Traffic Sector 5, ang mga biktima ay kinilalang sina Karen Daus, 34, at anak na si Erika, 10, mga residente sa Brgy. Batasan
Iniimbestigahan naman ng pulisya ang mga driver ng Toyota Tamaraw na si Antonio Sadaran, at driver ng PUJ na si Joel Ringgon, dahil sa nasabing insidente.
Sa ulat ni PO2 Alfredo Moises, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth, malapit sa Saint Peter Church, ganap na alas -6 ng umaga.
Diumano, nakahinto ang nasabing PUJ sa lugar papasakay ang mag-ina nang biglang dumating ang rumaragasang AUV at sinalpok ang una. Dahil dito, naipit sa pagitan ng dalawang sasakyan ang mag-ina na naging sanhi upang mapinsala ang mga binti at katawan ng mga ito. Dumating naman ang mga rescue team at dinala ang mag-ina sa East Avenue Medical Center kung saan ang mga ito ginagamot.
Katwiran ni Sadapan, hindi umano kumagat ang kanyang preno dahil umuulan at madulas ang kalsada kung kaya sumalpok siya sa jeepney at tamaan ang mag-ina.
- Latest