Bagong paglabag ng Nova bus, buking
MANILA, Philippines - Ininspeksiyon at saka binaklas ang plaka ng ilang bus ng Nova Transit ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) matapos hindi mag-match ang chassis at plate number ng isa sa bus nito kahapon ng umaga.
Pinangunahan ni Atty.Roberto Cabrera, executive Director ng LTFRB at Land Transportation Office (LTO) ang inspeksyon sa Nova Auto Transport sa garahe nito sa Fairview, Quezon City dakong alas-7:40 ng umaga.
Ayon kay Cabrera, sa isiÂnagawang sopresang insÂpection, nadiskubre ng mga ito na isa sa plate number ng Nova bus na TXE-271 ay hindi nagtutugma sa chassis at engine number nito.
Isinagawa ng LTFRB ang inspeksyon matapos ang madugong aksidente na naganap sa GV Florida bus sa Bontoc Mt. Province nitong naÂkalipas na Biyernes na ikiÂnasawi ng 14 na pasahero kabilang ang aktibista at actorÂ/comeÂdian na si Tado.
Dahil sa pagkakadisÂkubre ng LTFRB sa maling plaka, engine at chassis number ng isa sa bus ng Nova, pansamantalang grounded ngayon ang may 66 unit ng bus nito.
Tiniyak din ni Cabrera na bukod sa Nova bus, ilang kompanya pa ang nakatakda nilang inspeksyunin para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.
- Latest