4 huli sa pagdadala ng baril
MANILA, Philippines - Himas rehas ngaÂyon ang apat na kalaÂlakihan makaraang makuhanan ng baril ng mga awtoridad habang naglalakad sa isang kalye sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Supt. Norberto Babagay, hepe ng Quezon City Police Station 4, ang mga suspect na sina Sonny Quirino, 29; Jujun Solidio, 20; Mark AnÂthony Pelayo; at Presley Pelayo; pawang mga residente ng Brgy. Bartolome NovaÂliches sa lungsod.
Ayon kay Babagay, naÂkumpiska sa mga suspect ang isang homemade na kalibre 38 baril na may 24 na piraso ng bala.
Bukod dito, tinangka pa umanong manlaban ng mga suspect sa mga awtoridad nang aarestuhin kung kaya bukod sa kasong illegal possession of firearms ay kakaharapin din ng mga ito ang kasong attempted homicide at presidential degree 1829 o obstruction of apprehension.
Nangyari ang inÂsiÂdente sa may kahaÂbaan ng Kingspoint AvenueÂ, Bagbag Nova, ganap na alas-12:30 ng madaling-araw.
Bago nito, nagpaÂpatrulya ang mga pulis na sina PO3 Patricio Gayo at PO2 Gedan Poras sa nasabing lugar nang makasalubong nila ang mga suspect.
Sa hindi inaasahan, nagkabanggaan ang pulis na si Poras at isa sa mga suspect, hanggang sa biglang magtatakbo ang suspect na si Quirino dahilan para habulin ito ni Poras habang pinigilan naman ni Gayo ang tatlo.
Ang habulan ay tuÂmagal ng ilang Segundo hanggang sa makorÂner ni Poras si Quirino. Dito ay bigla na lang umanong naglabas ng baril si Quirino, pero mabilis na dinisarmahan ito ni Poras.
Nang dadalhin sa presinto ang mga suspect, ay pumalag ang mga ito, subalit nanaig pa rin ang mga awtoridad.
- Latest