CCTV footage susi sa paglutas sa pamamaril sa misis ni Atty. Fortun
MANILA, Philippines - Sinusuri ngayon ng mga imbestigador ng Las Piñas City Police ang kuha ng closed circuit television (CCTV) camera sa bahay ni Atty. Raymond Fortun na posibleng maging susi sa paglutas sa pamamaril sa kanyang misis sa kanilang bahay sa naturang lungsod, kamakalawa ng gabi.
Bukod dito, sinabi rin kahapon ni Fortun na may nakasaksi pa sa naganap na krimen na itinago muna ang pagkakakilanlan na nagbigay na ng pahayag sa pulisya.
Iginiit ni Fortun na siya talaga ang target ng mga salarin at hindi ang kanyang misis na inilarawan nitong mabait at walang nakakaÂaway.
Nasa maayos na kundisÂyon naman ngayon sa Perpetual Help Medical Center ang biktimang si Lumen Caroline Fortun, 42, makaraang tamaan ng bala sa leeg na tumagos sa pisngi. Mistulang himala umano ang pagkakaligtas ng ginang dahil sa walang tinamaang maselang bahagi ng ulo at buto ang bala.
Sa ulat, kagagaling lamang buhat sa Simbang Gabi ng biktima at kapapasok lamang sa bakuran ng kaniyang bahay sa Almanza Avenue, BF Homes, ng naÂturang lungsod, nang barilin ng isa sa riding-in-tandem dakong alas-8:05 ng gabi. Mabilis na tumakas ang mga salarin maÂtapos ang pamamaril.
Sinabi ni Fortun na karaniwang magkasama silang mag-asawa sa pagsisimba ngunit nagkataon na may dinaluhan siyang kasalan sa Iloilo.
Masuwerte namang agad siyang nakauwi at naabutan ang nakalugmok na asawa sa tapat ng bahay at agad na isinugod niya sa pagamutan.
- Latest