^

Metro

Libu-libong pasahero stranded LRT 1 muling nagkaaberya

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling naantala ang ope­rasyon ng may 29 taon nang Light Rail Transit Authority (LRTA) Line 1 makaraang magkaproblema sa signaling sytem umpisa kahapon ng tanghali.

Sinabi ni Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, na natukoy ang problema sa signaling system sa Monumento Station dakong alas-11:30 ng tanghali.

Dahil dito, nagpatupad ang LRTA ng degraded operation kung saan nagsagawa lamang ng biyahe mula Baclaran sa Pasay hanggang Blumentritt station sa Maynila.

Dakong alas-4 ng hapon, naisagad ang biyahe ng mga tren hanggang Monumento Station lamang.  Habang isinusulat ito, patuloy ang isinasagawang pagkukumpuni ng mga technician ng LRTA kung saan inaasahan na maibabalik ang normal operasyon ng mga tren mula Baclaran station hanggang Roose­velt Station bago sumapit ang “rush hour”.

Tulad ng mga nakaraang insidente ng pagkasira ng sistema ng LRTA, nagdulot ang insidente ng pagka-stranded­ sa libu-libong pasahero at paghaba ng pila sa mga istasyon­.

Matatandaan na nag-um­pisa ang operasyon ng LRT Line 1 noon pang Disyembre 1984 sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. 

Patuloy naman ang bidding ng Department of Transportation and Communi­cations (DOTC) para sa kontrata sa pagkukumpuni ng naturang train system at ekstensyon nito hanggang Cavite.

BACLARAN

BLUMENTRITT

CAVITE

DAHIL

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNI

HERNANDO CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MONUMENTO STATION

PANGULONG FERDINAND MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with