^

Metro

6-anyos na tinamaan ng ligaw na bala, ililibing na: Hustisya giit ng pamilya

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang pamilya ng 6-anyos na batang babae na nasawi makaraang tamaan ng ligaw na bala sa Taguig­ City sa pulisya na umaksyon para mahuli ang nagwalang caretaker na walang habas na nagpaputok ng baril  noong nakaraang araw ng Linggo sa naturang lungsod.

Nakatakda namang ihatid sa kanyang huling hantungan ngayong araw na ito ang biktimang si Kim Aquino na halos isang linggong ibinurol sa kanyang tahanan sa Brgy. Sta. Ana, Taytay, lalawigan ng Rizal.

Nabatid na nasawi si Aquino nang tamaan ng ligaw na bala sa dibdib buhat sa walang habas na pagpapaputok ng suspek­ na si Rommel “Boy” Paglinawan sa may Samama Road, Brgy. Napindan, Taguig. Tumakas ang suspek maka­raan ang insidente­.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Women and Children’s Protection Desk ng Taguig Police na nagwala si Paglinawan nang malaman na may nagtayo ng istruktura sa bakanteng lote na ipinagkatiwala sa kanya na bantayan ng mga may-ari nito.

Walang habas na nagpaputok ng baril at naghamon ng patayan ang suspek ngunit ang inosenteng si Aquino ang tinamaan. Nabatid na dumayo lamang sa lugar si Aquino at ang ina nito sa naturang lugar para magtinda.

 

vuukle comment

AQUINO

BRGY

KIM AQUINO

NABATID

PAGLINAWAN

PROTECTION DESK

SAMAMA ROAD

TAGUIG

TAGUIG POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with