QCPD nag-lecture sa higit 6,000 residente vs krimen
MANILA, Philippines — Naniniwala ang Quezon City Police District (QCPD) na makatutulong ng malaki ang isinagawang lecture sa 6,000 mga residente kontra krimen sa 70 Community Engagement activities ng District Mobile Force Battalion (DMFB), Police Stations 1 hanggang 16, Stakeholders at mga Advocacy Support Groups sa pangunguna ng Community Affairs and Development Division (DCADD).
Sa mga aktibidad, ang mga Community Affairs Section ay nagsagawa ng sunud-sunod na mga lectures tungkol sa Community Anti-Terrorism Awareness (CATA), at Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program/Drug Awareness
Binigyan din sila ng mga tip kung paano makaiwas sa mga Krimen, Safe Spaces Act, Bomb Awareness, Anti-Bullying, Anti-Violence against Women and their Children), Karapatang Pantao, Gender Sensitivity / Equality, Anti-Bullying at iba pa.
Dagdag pa rito, nagsagawa rin ng mga programang pangkabuhayan, pagtatanim ng puno, at clean-up drive, at namahagi ng mga IEC Materials, food packs/hot meals, at mga PARAK na pahayagan sa mga benepisyaryo
Layunin ng mga aktibidad na ito na magbigay ng impormasyon upang maiwasan ang krimen at ang mapanlinlang na recruitment ng CPP/NPA/NDF.
“Sa bawat pag-abot natin sa komunidad, mas tumitibay ang tiwala ng mga mamamayan sa kapulisan. Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas at matatag na pamayanan,” pahayag ng acting QCPD chief.
- Latest