Malabon LGU, nasungkit Guinness World Record na ‘Longest Line of Bowls of Noodles’

MANILA, Philippines — Pasok na ang Malabon LGU sa Guinness World Records para sa “Longest Line of Bowls of Noodles” tampok ang ipinagmamalaking Pancit Malabon na isinagawa nitong Biyernes sa Malabon Sports Complex.
Mismong si Ms. Sonia Ushirogochi, Official Adjudicator ng Guinness World Records Japan K.K., ang nag-abot ng certificate at naghayag ng pagkilala sa Malabon matapos maabot ang 6, mangkok ng noodles na ipinagmamalaki ng Malabon.
Nahigitan ng Malabon LGU ang record ng Jinshi Beef and Rice Noodles Association ng China na 3,988 mangkok.
Binusisi ni Ushirogochi ang bawat mangkok na tumitimbang ng 100 grams at maayos na naipila ng mga participants.
Dahil kilala ang lungsod sa Pancit Malabon, nabatid na ang noodles ay sama-samang ginawa ng nasa 12 panciteria at ipinalasap ang sarap ng pansit sa mga sumaksi ng makasaysayang tagumpay.
Kabilang dito ang Nelia’s Pancit Malabon, MFlores Restaurant, Nanay’s Pancit Malabon, Emma’s Pancit Malabon, Bebette’s Pancit Malabon, A’ Course By Chief A, Josephine’s, Pancit Malabon, Original Dolor’s, Dolores Pancit Malabon, G1 Restobar, Pancit Malabon Dolores at Nanay Letty’s Pancit Malabon.
Binigyan diin naman ni Mayor Jeannie Sandoval na ang tagumpay ay nagpakita ng kultura at kasaysayan ng lungsod.
- Latest