^

Metro

QCPD crime rate bumaba ng 19.48 porsiyento sa loob ng 30 araw

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa mas pinaigting na kampanya laban sa iba’t ibang krimen sa pamumuno ni Quezon City Police District (QCPD) Director PCol. Melecio Buslig, Jr., bumaba ng 19.48 porsiyento ang crime rate sa lungsod sa loob lamang ng 30 araw.

Ayon kay Buslig, ang pagbaba ng crime rate ay bunsod ng kautusan ni QC Mayor Joy Belmonte na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng bawat residente at publiko.

Nabatid na sa ­unang 30 araw ni Buslig, nasa 175 anti drug operations ang isinagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng nasa 280 katao kung saan 170 ang itinuturing na ‘tulak’ habang 110 ang drug users.

Nakakumpiska rin ang QCPD ng nasa P6.66 milyong halaga ng illegal drugs na kinabibilangan ng 956.73 gramo ng shabu, 943.56 gramo ng marijuana at 29.25 gramo nf marijuana kush.

“Our commitment to combat illegal drug activities remains unwavering as we prioritize the safety and well-being of our communities,” ani Buslig.

Tinutukan din ng QCPD ang illegal gambling, illegal firearms at  manhunt operations sa mga wanted persons kabilang ang isa sa mga suspek sa pamumugot sa ulo ng security guard ng car showroom na si Alfredo Tabing na si Michael Caballero noong Disyembre 25 at Allan Baisa Bagatua na nahaharap sa kasong murder.

Pumalo rin sa 97.58% ang Crime Clearance Efficiency na indikasyon na epektibo ang stategy at sistema ng QCPD.

Dahil dito, nagpasalamat si Buslig kay QC Mayor Joy Belmonte sa patuloy at walang sawa nitong suporta sa kapulisan gayundin kina PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil at NCRPO chief PMGen. Sidney Hernia sa pagtataas ng moral ng mga pulis

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with