^

Metro

Overstaying na police officials, masisibak sa puwesto­

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaaring maalis  sa kani-kanilang puwesto ang mga opisyal ng pulisya na over­staying na o higit sa dalawang taon nang nasa kanilang posisyon bago sumapit ang halalan sa Mayo 2013.

Sinabi ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Leo­nardo Espina na hinihintay na lamang­ niya ang direktibang ilalabas ng PNP National Headquarters upang agad niyang maipatupad ito.

Ayon sa heneral, nais ng pamunuan ng PNP na ma­palitan ang mga opisyal na ma­tagal na sa puwesto na maaaring naging kampante na at upang matanggal din ang persepsyon ng publiko na magagamit ang pulisya ng mga incumbent na mga kandidato para sa kanilang kandidatura.

Sa huling pulong sa kanyang limang District Directors at 38 chiefs of police, inabisuhan ni Espina ang mga ito na maghanda na sa pag-alis sa kanilang puwesto sa oras na maipalabas ang kautusan.  Maaaring matanggal na sa puwesto ang mga apektadong opisyal bago mag-umpisa ang campaign period sa Enero 13.

May mga ulat din na pinaplano ni bagong PNP chief, Director General Alan Purisima na magkaroon ng balasahan sa kanyang mga opisyal sa buong bansa bago sumapit ang Enero 8.

Kabilang din na matatanggal sa hanay ng pulisya ang mga opisyal na magreretiro na bago ang eleksyon.

vuukle comment

AYON

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

DIRECTOR LEO

DISTRICT DIRECTORS

ENERO

ESPINA

MAAARING

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NATIONAL HEADQUARTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with