^

Metro

Mas mataas na insurance benefits ng mga sasakyan tiniyak ng LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mas mataas na insurance benefits ng mga sasakyan tiniyak ng LTO
Sa ikalawang round ng public consultation sa transport groups at iba pang stakeholders, sinabi ni Mendoza na agarang aaksyunan ng kanilang hanay ang problema ng mga  insurance companies ang hindi awtorisadong pagbebenta ng Compulsory Third Party Liability o  CTPL.
Philsar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza na mas mataas na ngayon ang insurance benefits ng mga sasak­yan sa bansa kasunod ng pag-sang ayon ng iba’t ibang transport group.

Sa ikalawang round ng public consultation sa transport groups at iba pang stakeholders, sinabi ni Mendoza na agarang aaksyunan ng kanilang hanay ang problema ng mga  insurance companies ang hindi awtorisadong pagbebenta ng Compulsory Third Party Liability o  CTPL.

Ayon kay Mendoza, ginawa ang konsultasyon sa transport group bilang pagtalima narin sa utos ni Transportation Secretary Vince Dizon na pagandahin pa ang serbisyo sa transportasyon.

Sa naturang konsultasyon, nagkakaisang ipinunto ng attendees na tiyakin na babayaran ang lahat ng claims at pabilisin pa ang kasalukuyang sistema.

Tinutugunan na rin aniya ngayon ng LTO ang pag-aayos sa encoding errors sa insu­rance pati na ang pagtanggal sa participation fee.

Kabilang sa dumalo sa konsultasyon sina Malyn Ramos, president of the MAJETSCO/Busina; Angel Guevarra, representative ng Sterling Insurance Company; Shierto Santillan, ng BMIS;  Juliet De Jesus ng Mega Manila Consortium; Leonardo Bautista, chairman ng PAGUNOVA Transport; Ariel Lim, ng National Public Transport at NACTODA; Boy Vargas, head ng ALTODAP; Jes Bañaga, president ng  Pro-movers Transport Alliance; Jojo Martin, head ng Pasang Masda; Saturnino De Guzman, ng Partner 7 Transport Operators;  Vicky Antonio, chairperson ng Novadeci Transport Cooperative; Elbert Mozoe, BMIS president at Ka Obet Martin, chariman ng Pasang Masda.

LTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad