Chinese national na sumipa, pumatay kay ‘Ken’ sa Makati, dinakip
MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI), ang Chinese national na pumatay sa pusa sa Makati City kamakailan.
Si Jiang Shan, 32, ay naging tampok sa balita matapos umanong sipain hanggang sa mamatay ang isang pusa sa Ayala Triangle Gardens, Makati ay dinakip sa harap ng kanyang tirahan sa Brgy. Palanan matapos matuklasang overstaying siya sa bansa.
Ayon sa mga rekord ng BI, dumating si Jiang sa Pilipinas bilang turista noong Mayo 2023, ngunit hindi na niya pinalawig ang kanyang visa mula pa noong Setyembre 2023.
Nabigong makapagpakita si Jiang ng anumang dokumento sa mga umarestong ahente.
Agad siyang dinala sa kustodiya, isinailalim sa booking, at inilipat sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig habang nahaharap sa kasong deportasyon.
Nag-viral si Jiang matapos sipain ang isang community cat na kinilalang si “Ken,” na noon ay mahimbing na nagpapahinga sa isang walkway. Kalaunan, namatay ang pusa dahil sa tinamong pinsala.
- Latest