^

Dr. Love

Sino ang pipiliin?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Si Demie ang una kong kasintahan. Law graduate at partner siya sa isang law firm. Ako ay undergraduate ng law proper at nagtagumpay ako sa pagnenegosyo.

May nakilala akong babae na nagpatibok din ng puso ko. Siya si Rica, isa lang siyang ordinaryong empleyada at katulad ko ay hindi nakatapos ng college. Niligawan ko siya at napasagot kaya dalawa silang babae sa buhay ko ngayon.

Pareho silang matimbang sa puso ko kaso natatakot akong matali kay Demie dahil may pagkadominante. Palibhasa, tapos siya at nakapasa sa bar.

Si Rica ay simple lang at hindi sumusuway sa gusto ko. Kaya naguguluhan ako kung sino sa kanila ang pakakasalan ko. Hindi pa naman ako fully committed kay Demie at siya pa ang nagsasabi na malaya pa akong pumili ng iba. Tulungan mo sana ako.

Ricaredo

Dear Ricaredo,

Ikaw lang ang makapagpapasya kung sino ang pipiliin mo. Siyempre, kukunin mo ang babaeng makapagpapasaya sa iyo.

Kung ang gusto mo ay babaeng magpapasakop sa iyo, tamang si Rica ang iyong piliin. Timbangin mong mabuti kung sino sa kanila ang pasok sa iyong pamantayan at ‘yun ang pakasalan mo.

Dr. Love

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with