^

Dr. Love

Nawili sa kakakumpara

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagiging problema namin ngayon ang pagkawili ng aking asawa sa kakakumpara sa aming buhay sa buhay ng aming mga kapitbahay.

Sinasabi niya na bakit hindi ko raw pagsumikapang makagawa ng paraan para umasenso kami.

Nag-aaway kami lagi kasi kung may biniling bagong gamit ang kapitbahay namin, gusto niya ay bumili rin kami.

Makailang beses ko nang ipinaliwanag sa kanya na hindi tama ang pagbili ng mga gamit kung hindi pa naman talaga kailangan.

Naririndi ang tenga ko kakakulit niya sa akin ng mga bagay na gusto niyang bilhin. Ayoko namang mag-abroad kasi baka matulad lang sa iba ang buhay namin, marami ngang pera ang ending ay broken family naman.

Maayos naman ang kita ko at sumasapat sa pang-araw araw namin, kaso hindi na kakayanin kung bibili pa ako ng mga hindi naman talagang kailangan na gamit.

May mga utang pa rin kami na hindi ko pa tapos bayaran. Minsan nasasabihan din ako ng biyenan ko na baka masyado ko raw tinitipid ang asawa’t anak ko.

Kung makikita nila akong umiinom ng alak, akala nila inuubos ko lang ang pera namin sa bisyo. Magkano lang naman ‘yun.  Kaya minsan, iniiwasan ko na rin ang uminom ng alak, para wala silang masabi. Pangako ko naman sa kanya na kapag nakaluwag-luwag kami ay mabibili ko na ang gusto niya.

Estong

Dear Estong,

Kausapin mo nang masinsinan ang misis mo na konting tiis lang. Mainam naman ‘yung may ipon kaysa gumastos nang gumastos. Tukso talaga ‘yan, lalo na ngayon na laging may bagong labas na mga appliances.

Dapat lang na iwasan mo ang iyong pag-iinom dahil nakakabawas din ito sa budget ninyo. Hindi naman masama ang mangarap ng magandang buhay. Mainam na gumawa kayo ng paraan para kumita ng pera pandagdag sa inyong budget at iwasan ang gastos at pangungutang, lalo na sa panahon ngayon na mas importante ang inyong kalusugan.

DR. LOVE

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with