^

Dr. Love

Ayaw ng rules

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Jellay. Ayoko ng rules. Sabi ng mama ko bakit ang dami ko raw guys na si-nasamahan. Napaka-old fashion. So what kung laging iba ang kasama ko? Hindi ko naman sila jowa. Ayoko rin ng isang guy na magbabantay sa akin at maghihigpit sa akin, na mas mahigpit pa sa parents ko. Ayoko ko ng magdidikta sa akin kung ano ang gagawin ko. 

Hindi nila ako maiisahan. I have my own rules kaya dapat ako lang ang masusunod sa buhay ko. 

Yes, I follow rules na hindi ako nalilimitahan. Nakakainis lang kasi na lagi kang parang bata. Laging may nagpapaalala at nagwa-warning ng mali ‘yan, eto tama. 

Siguro naman nasa wastong edad na ako para sa mga gusto kong gawin. 

Of course, I respect everybody, syempre my parents but hindi ibig sabihin susundin kong lahat ng gusto nila. 

Sorry po gusto ko lang kasi na walang nakikialam sa buhay ko.  

Jellay

Dear  Jellay,

Kapag kaya mo na at nasa wastong edad ka na, talagang dapat marunong ka nang magdesisyon sa sarili mo. Sa ibang bansa nga talagang humihiwalay ang mga anak sa kanilang parents para matuto silang buhayin ang sarili nila at hindi umaasa sa parents. 

Ang kagandahan sa ating kultura, malaki ang ating respeto o paggalang sa mga na-katatanda sa atin. Mas mainam pa rin pakinggan natin sila. Ito ay para na rin sa atin. Kaya naman sila nagpapaalala at nagsasabi ng kung ano ang tama at mali base na rin sa kanilang karanasan. 

Mahirap din naman ng pabago bago at palipat lipat tayo ng kung ano ang para sa atin. 

Hanapin mo ang mas makabubuti sa iyo, kung ano ang mga bagay na hindi mo pag-sisisihan sa mga dara-ting na araw. 

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with