^

Dr. Love

Divorce bill

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ano po ba ang masasabi ninyo tungkol sa divorce bill kung matupad ‘yan sa ating bansa? Ako naman ay hindi isang politician. Isa lang ako sa mga mahilig sa diskusyon tungkol sa mga batas ng ating bansa.

Sa ngayon ‘yan ang mainit na pinag-uusapan. Mahal ko ang misis ko. Ito lang naman ay para sa kaalaman ng mas nakararami. Mainam na ‘yung may alam kaysa sa oo lang nang oo.

Mang Amado

 

Dear Mang Amado,

Ang pagpasa ng divorce bill sa Pilipinas ay magdudulot ng iba’t ibang epekto sa mga mag-asawang Pilipino. Magbibigay ito ng opsyon sa mga mag-asawa na hindi na masaya sa kanilang relasyon para magkaroon ng legal na paraan ng paghihiwalay.Posibleng magdulot ito ng pagtaas ng bilang ng hiwalayan sa ating  bansa, na maaaring magkaroon negatibong implikasyon sa bawat pamilya at sa lipunan.

Mahalaga na pag-aralan nang mabuti ang panukalang batas at ang mga posibleng epekto nito bago ito aprubahan.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with