^

Punto Mo

EDITORYAL - Maging alerto sa ginagawa ng China

Pang-masa
EDITORYAL - Maging alerto sa ginagawa ng China

PATULOY ang pangha-harass ng China sa Pilipinas at maaring hindi na sila titigil sa ginagawa. Masyado na silang agresibo at hindi na makatao ang ginagawa gaya nang pagharang at pagtapon sa food supply ng mga sundalo at ang pagpigil na ma-evacuate ang maysakit na sundalo mula sa BRP Sierra Madre. Hindi na katanggap-tanggap ang ginagawang ito ng China.

Sa kabila ng mga panggigipit na ito, wala pa ring tiyak na hakbang ang pamahalaan laban dito. Maliban sa pagpa-file ng diplomatic protest, wala nang iba pang ginagawa ang pamahalaan. Marami nang isinampang protesta ang Pilipinas pero hindi pinapansin ng China. Para sa kanila, walang kuwenta ang protesta. Katulad din ng pagsasabing ang napanalunang kaso ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration noong Hulyo 2016 ay kapirasong papel lamang.

Ngayong buwan na ito dalawang insidente ng pangha-harass ang ginawa ng CCG sa mga barko ng Pilipinas. Una ay ang pagharang sa barko ng Philippine Coast Guard habang ini-evacuate ang isang maysakit na sundalo sa BRP Sierra Madre. Binangga pa ng CCG ang barko ng Pilipinas habang sakay ang maysakit na sundalo para dalhin sa ospital sa Palawan. Hindi makatao ang ginawa ng mga miyembro ng CCG sapagkat hindi dapat pinipigilan ang pagdadala sa sundalong nasa bingit ng panganib ang buhay.

Ikalawang pangha-harass ay nang habulin at harangin ng CCG ang barkong may mga sakay na Pilipinong scientists na nagsasagawa ng survey sa Escoda Shoal. May backup pang dalawang helicopter ang CCG nang isagawa ang pangha-harass. Nagsasagawa ng pag-aaral ang mga scientist sa mga nasirang corals sa shoal.

Sabi naman ng tagapagsalita ng China Foreign Mi­nistry, dapat magpadala ng advanced notice ang Pilipinas kung may dadalhing food supply sa BRP Sierra Madre ganundin kung may eevacuate na maysakit na sundalo.

Katawa-tawa ang suhestiyon ng China. Hihingi pa ng permiso ang Pilipinas sa kanila para makapagdala ng supply sa barko na nasa sariling teritoryo. Kung ganun ang gagawin, para na ring inamin na hindi sa Pilipinas ang Ayungin Shoal. Walang karapatan ang China na humingi ng permiso ang Pilipinas.

Sa survey ng OCTA Research noong Marso 2024, lumabas na 76 percent ng mga Pinoy ang nagsabi na malaking banta ang China sa Pilipinas. Tama ang survey na ito. Banta sa Pilipinas ang China kaya nararapat na maghanda sa anumang mangyayari. Posibleng may gawin ang China sa Pilipinas na maaaring humantong sa magulong sitwasyon. Maging alerto sana ang lahat. Dito naman makikita kung totoo ang pangako ng U.S. na tutulungan ang Pilipinas sakaling may lumusob na kalaban. Sana totoo ang pangako ng U.S.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with