^

Punto Mo

10-anyos na batang babae, ‘pinakabatang radio station manager’ sa buong mundo!

KAGILA GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 10-taong gulang na batang babae sa Leicester, United Kingdom ang nakapagtala ng world record dahil sa batang edad ay manager na siya ng isang istasyon ng radio!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Martha Sheehan ang pinakabagong record holder ng titulong “Youngest Person To Manage a Radio Station (female)” dahil sa edad niyang 10 ay nakapagpatakbo na siya ng radio station na Space Station.

Ang Space Station ay isang special radio station na pagmamay-ari ng Fun Kids, isang radio station para sa mga kabataang may edad na 6 to 12 years old. Itinayo ang Space Station para tuma­lakay sa science, space at space exploration. Inilunsad ito noong June 8 at itinalaga nila si Martha bilang manager nito.

Sa kabila ng batang edad ni Martha, siya na ang in charge sa kung anong mga topics ang tatalakayin sa Space Station. Bukod dito kasama siya sa pag-decide sa kung anong mga kanta, advertisements at jingle ang ipapatugtog sa istasyon.

 

 

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with