^

Punto Mo

Nag-resign, puwede pa bang makabalik sa ­trabaho?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede po bang mag-withdraw ng resignation?—Nesthor

Dear Nesthor,

Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Intertrod Maritime, Inc. vs. NLRC (G.R. No. 81087, 19 June 1991) ang resignation sa trabaho, matapos itong ipaalam ng empleyado, at matapos itong tanggapin, ay hindi na mababawi nang walang pahintulot ng employer.

Dagdag pa ng Korte Suprema,  hindi maaring kasuhan ng illegal dismissal ang isang employer na ayaw nang tanggapin ang  empleyado niyang nag-resign na ngunit nag-iba ng isip at gustong bumalik.

Dahil nagbitiw na sa trabaho ang empleyado, nasa employer na ang pagpapasya kung tatanggapin pa niya ulit ito bilang karapatan niya ang pumili ng mga taong gugustuhin niyang magserbisyo sa kanya bilang empleyado.

Sa madaling sabi, wala nang karapatan ang empleyado sa posisyong kanyang iniwanan. Kung magbago man ang kanyang isip kinalaunan ay  kailangan na niya ang pahintulot ng kanyang employer upang mabawi niya ang kanyang resignation.

Wala nang pinagkaiba ito sa muling pag-a-apply sa trabaho dahil tanging nasa kamay ng employer ang desisyon kung gugustuhin ba niyang makabalik sa dati nitong posisyon ang isang empleyadong nag-resign na.

EMPLOYER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with