^

Punto Mo

‘Tagpi’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 1)

MATAGAL nang nangyari ang karanasan kong ito—dekada 70 pa at ako ay nasa high school.

Ang aking tatay ay drayber ng truck na naghahakot ng palay, mais at kopra sa pier. Saku-sakong palay at mais ang karga ng truck na ang may-ari ay Intsik. Sa pagiging drayber ni Tatay kami napag-aaral na apat na magkakapatid. Si Inay ay wala namang trabaho. Kaya mahigpit ang bilin nina Itay at Inay sa amin na mag-aral na mabuti para magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap.

Minsan isang araw ng Biyernes na umuwi si Itay—tuwing Sabado at Linggo ang pahinga niya—may dala siyang tuta.

Ang tuta ay puti pero may tagpi-tagping itim sa mukha at dibdib. Sabi ni Itay, nagmamaneho siya ng truck sa bundok patungo sa pier nang makita niya ang tuta sa gitna ng kalsada. Muntik na niyang masagasaan.

Itinigil niya ang truck. Bumaba siya at nilapitan ang tuta. Dinampot niya. Parang gutom na gutom ang tuta.

Nagtaka si Itay kung paano nagkaroon ng tuta sa bundok. Wala namang kabahayan dun. Malayo pa ang bahay.

May natira siyang kanin at ulam at ipinakain niya sa tuta. Gutom na gutom. Binigyan niya ng tubig.

Nang inaakala niya na walang naghahanap sa tuta, dinala na niya. Nasa tabi niya ang tuta.

(Itutuloy)

vuukle comment

DOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with