^

Punto Mo

Lalaki na mabilis bumuo ng Mr. Potato Head, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 20-anyos na lalaki sa Ireland ang nakapagtala ng world record dahil sa angking bilis nito na bumuo ng laruang Mr. Potato Head.

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Declan McFerran ang pinakabagong record holder ng titulong “Fastest Time To Assemble Mr. Potato Head” matapos niyang mabuo ang naturang laruan sa loob lamang ng 5.15 seconds.

Ang Mr. Potato Head ay isang toy puzzle na naimbento noong 1949 ni George Lerner. Ito ay unang inilabas ng toy company na Hasbro noong 1952. Isa itong plastik na hugis patatas na may iba’t ibang parte ng katawan, tulad ng mata, ilong, tenga, at bibig, na maaaring ilagay at tanggalin.

Dahil dito, maaaring baguhin ng mga bata ang hitsura ni Mr. Potato Head sa iba’t ibang paraan. Lalo sumikat ang laruang ito noong 1990s matapos gawin itong karakter sa animated movie na Toy Story.

Hindi nagkaroon ng Mr. Potato Head si McFerran noong siya ay bata pa. Saka lamang siya nakahawak nito nang mabasa niya ang tungkol dito sa Guinness Book of World Records at naisip niyang higitan ang previous record holder nito.

Matapos makamit ang Guinness certification, nagpaplano na si McFerran ng susunod na world record na kanyang hihigitan.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with