^

Punto Mo

EDITORYAL - Mag-ingat sa leptospirosis

Pang-masa
EDITORYAL - Mag-ingat sa leptospirosis

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang mamamayan sa mga sakit na dumarapo ngayong panahon ng tag-ulan at tagbaha at isa rito ang nakamamatay na leptospirosis. Sa tala ng DOH, mula Enero 1 hanggang Hunyo 15, 2024, mayroon nang 878 na kaso ng leptospirosis at 84 na ang namatay. Karamihan umano sa mga biktima ay mga bata.

Malubha umano ang tag-ulan ngayon dahil sa inaasahang La Niña na eepekto ngayong buwan. Ayon sa PAGASA, dalawa hanggang tatlong bagyo ang tatama sa bansa ngayong Hulyo at maghahatid ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Kapag tagbaha, kontaminado ito ng ihi ng mga hayop gaya ng daga kaya delikadong lumusong sa baha. Kung may sugat sa binti at paa, huwag lumusong sapagkat dito pumapasok ang virus leptospira. Kung lulusong, gumamit ng bota.

Kapag marumi ang paligid, maraming daga at ang mga ito ang karaniwang pinanggagalingan ng virus. Ayon sa DOH, hindi lamang sa ihi ng daga nagmumula ang leptospirosis kundi maging sa iba pang hayop gaya ng kabayo, kalabaw, pusa at iba pa.

Kapag pumasok ang virus sa binti at paa, lilitaw ang mga sintomas ng leptospirosis. Makararanas ng lagnat, panginginig ng katawan, pananakit ng binti, kalamnan, at kasu-kasuan, pamumula ng mga mata, paninilaw ng balat, pananakit ng ulo at kulay tsa ang ihi. Kapag nakaranas ng sintomas, magpatingin sa doktor.

Karamihan sa mga nagkaka-leptospirosis ay mga bata na madalas magtampisaw sa baha. Sa mga kalsada sa Merto Manila karaniwan nang makakakita ng mga batang nakalublob sa baha. Mayroon ding dumadayb sa estero. Walang pakialam ang mga bata habang naglulunoy sa baha. Nararapat bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak at huwag hayaang magtampisaw sa baha.

Magtulung-tulong ang mamamayan sa paglipol sa mga daga na naghahatid ng leptospirosis. Ang unang hakbang ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay. Kung malinis at nasa ayos ang pagtatapon ng mga basura, tiyak na walang daga. Hindi nabubuhay ang mga daga sa malinis na kapaligiran.

Nararapat na magkaroon nang malawak na kampanya ang DOH laban sa leptospirosis upang ma­imulat ang mamamayan sa nakamamatay na sakit. Hindi sapat na iulat na lamang ang pagtaas ng kaso kundi ituro sa mamamayan kung paano iiwas sa leptospirosis.

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with