^

Punto Mo

Walang day off sa kontrata

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede po ba na walang day off ang empleyado kung wala pong nakalagay sa kontrata?—Lando

Dear Lando,

Obligasyon ng employer na bigyan ng isang araw na rest day ang mga empleyado para sa bawat anim na araw na work day kada linggo.

Dahil karapatan ng empleyado ang day off,  hindi dapat nakadepende  sa kontrata ang pagkakaroon nito. Kaya hindi mahalaga kung nakalagay man o hindi ang rest day ng emple­yado sa kontrata; dahil itinakda ito ng batas, kailangan itong sundin ng employer at bigyan ng rest day ang kanyang mga empleyado.

Maari namang i-require ng employer ang pagtatrabaho kapag rest day pero kailangan pa rin na may sapat na basehan ito at may karampatang pasahod para sa apektadong empleyado.

Para sa mga pagkakataon na kailangang magtrabaho ng empleyado sa kanyang nakatakdang rest day, kailangan silang pasahurin ng katumbas ng kanilang arawang sahod at dagdag na katumbas sa 30 porsiyento nito, kung walang kasabay na holiday.

Katulad ng overtime, puwedeng  i-require ng employer na magtrabaho ang empleyado sa kanilang day off basta’t may sapat itong dahilan katulad ng (1) digmaan o national emergency; (2) lokal na kalamidad kung saan kailangan maisalba ang buhay ng mga tao, maiwasan  ang pinsala sa mga ari-arian, at upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko; (3) mga pagkakataon na kailangan ng agarang pagkukumpuni sa mga makinarya at iba pang mga kagamitan upang maiwasan ang malubhang pagkalugi ng employer; (4) upang maiwasan ang pagkasira ng mga perishable goods; at (5) mga pagkakataon na kailangang tapusin ang trabahong nasimulan na sa ika-walong oras ng trabaho upang maiwasan ang perhuwisyo sa negosyo o operations ng employer.

vuukle comment

WORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with