^

Punto Mo

EDITORYAL – Madaling makapanloko at makapanglinlang

Pang-masa
EDITORYAL – Madaling makapanloko at makapanglinlang

MADALING makapanloko, makapanglinlang­, ma­ka­­­pagnakaw ng pagkakakilanlan at mang­huwad­ ng dokumento sa Pilipinas. Dahil sa mga gawaing ito kaya dumadagsa ang mga dayuhang may masamang record.Madali lang gumawa ng illegal at madaling masuhulan ang mga awtoridad kaya madaling nalulusutan ang batas.

Hindi lang negosyo ang naitatayo ng mga dayuhan kundi nakakatakbo pa sila sa posisyon sa gobyerno gamit ang mga huwad na dokumento. Nauuto nila ang mama­mayan at nakakakuha nang maraming boto.

Isang halimbawa ay ang kaso ng suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo. Noong Huwebes, kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang fingerprints ni Alice Guo at Guo Hua Ping ay pareho. Nagpapatunay na iisang tao sila at lumalabas na hindi Pilipino si Guo. Hindi raw magsisinungaling ang fingerprints sabi ng NBI.

Ang pagkakakumpirma ng NBI ay lalong nagpalakas sa hinala ni Sen. Risa Hontiveros na si Guo ay isang Chinese na nagkukunwaring Pilipino. Sa mga nakalap na detalye ng Senado, nakasaad sa certificate of candidacy­ ni Guo bilang mayor ng Bamban, ipinanganak ito noong Hulyo 12, 1986 sa Tarlac at ang ina ay si Amelia Leal. Pero ayon kay Hontiveros, si Alice Guo ay si Guo Hua Ping na ipinanganak sa Fujian, China noong Agosto 31, 1990.

Wala pang sagot ang suspendidong mayor sa natuklasan ng NBI pero sabi ng kanyang mga abogado, sasa­gutin nila lahat ang mga inaakusa kay Guo. Mapapatunayan umano nila na mali ang mga paratang kay Guo at ito ay naaakusahan at nalilitis na sa publisidad o trial by publicity. Hindi dumalo sa pagdinig ng Senado si Guo sapagkat may sakit umano at labis na na-stress.

Bukod sa pagpeke sa kanyang pagkakilanlan, dine­k­lara rin ni Guo ang mga pekeng incorporators ng Hong­sheng Gaming Technology—ang POGO na narepresenta niya bago tumakbong mayor—na kinabibilangan ng tatlong babaing vendors sa Bamban Public Market. Ang isa ay vendor ng gulay, ang ikalawa ay nagrarasyon ng almusal at ang ikatlo ay tindera ng ihaw-ihaw. Paano nanakaw ang impormasyon at pati pirma ng tatlong vendors na nagsabing wala silang kaalam-alam kung ano ang POGO.

Ganyan kalawak ang pamemeke at pagpalsipikang kinasasangkutan ni Guo na maaaring maghulog sa kanya sa kumunoy. Hindi na siya makaaahon at tuluyan nang malulubog. Hindi na dapat maulit ang ganitong pangyayari. Ireporma ang mga sangkot na ahensiya para hindi malusutan ng mga manloloko at mandaraya.

FOREIGNERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with