^

Punto Mo

‘Tagpi’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 4)H

INDI ko inaasahan ang pangyayaring iyon na isang mabagsik na kobra ang aking nakita sa daraanan, ilang metro ang layo sa tarangkahan ng aming bahay. Kulay pula at orange ang kobra na nang itaas nito ang ulo at malapad na leeg ay nanindig ang aking balahibo. Para akong ipinako sa kinatatayuan. Sa isang maling galaw ko ay tiyak na tutuklawin ako ng kobra. Yun yata ang tinatawag na King Cobra na mabagsik ang kamandag. Ilang minuto lang umano ang makalipas kapag nakagat ay patay na ang natuklaw.

Nasa ganun akong kahigpit na sitwasyon nang biglang dambahin ni Tagpi ang kobra. Nasakmal ni Tagpi ang leeg ng kobra at hindi ito binitawan. Nagkabalu-baluktot ang katawan at buntot ng kobra pero hindi siya binitawan ni Tagpi sa pagkakasakmal.

Kahit sakmal na ni Tagpi ang kobra, ako naman ay nanatiling nakatayo at tulala.

Hindi ko talaga lubos maisip kung paano ako nasaklolohan ni Tagpi. Paano niya nalaman na ako ay nasa panganib?

Makalipas ang may 10 minuto na sakmal ni Tagpi ang kobra, binitawan na niya ito.

Patay na ang kobra!

Saka lamang ako nakakilos. Niligtas ako ni Tagpi!

(Itutuloy)

vuukle comment

ASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with