^

Punto Mo

Maid of Honor (166)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAKALIPAS pa ang isang linggo at balik si Yana sa paglilinis sa bahay. Walang tigil sa pagtatrabaho na parang sinusulit ang mga araw na hindi siya nakagawa sa bahay.

Pinansin siya ni Bianca.

“Huwag ka munang magtrabaho nang mabigat at sariwa pa yang mga galos mo sa katawan.’’

“Kaya ko na po Ate.’’

“Baka mabigla ka e sumama ang katawan mo.’’

“Hindi po.”

“Siyanga pala, papasok ka na ba sa klase mo?’’

“Opo Ate. Bukas ay papasok na ako. Salamat Ate at kinausap mo ang dean namin at pinaliwanag ang nangyari sa akin.’’

“Oo. Mabait naman ang dean ninyo. Naiintindihan niya ang kalagayan mo.’’

“Salamat Ate.’’

“Kaya nga bukas ng umaga ay huwag ka na munang gumawa sa bahay at asikasuhin mo ang pagpasok. Ako na ang bahala sa mga gawain.’’

“Magluluto ako Ate ng almusal natin. Kawawa ka naman kung ikaw pa ang magluluto.”

“Sige kung yan ang gusto mo. Pero yun lang ang gawin mo at pumasok ka nang maaga para makahabol ka sa aralin.’’

“Opo Ate.”

KINABUKASAN,  pagdating niya sa classroom ay iilan pa lamang ang kanyang kaklase na naroon. Hindi niya inaasahan ang paglapit ng kaklaseng si Ram.

“Hi Yana. Magaling ka na?’’ tanong nito.

“Oo.’’

“Nabasa ko ang nangyari sa’yo. Hanga ako sa’yo.”

“Saan mo nabasa?’’

“Naka-post sa FB. Nakaladkad ka ng motor habang hindi mo binibitawan ang bag na inagaw ng riding-in-tandem.’’

“Ah.’’

“Ang daming nag-follow at nag-like. Hangang-hanga sa katapangan mo.’’

Hindi makapagsalita si Yana.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with