^

Punto Mo

Condotel parking sa Mandaluyong, distribution point ng shabu!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

TULOY lang ang trabaho ng PNP para mahubaran at tuldukan ang drug syndicate na nasa likod ng pagpasok ng 1.4 toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas noong Abril 15. Sinabi ni Calabarzon police director Brig. Gen. Kenneth Paul Lucas na umuusad naman ang kanilang imbestigasyon, lalo na’t naaresto na ang lider ng sindikato na si Thomas Gordon O’Quinn, o James Martin.

Ang suspect ay may 14 pang iba’t ibang pangalan, ayon sa nakumpiskang passport sa kanyang possession. Tinawag ng driver ng Foton van na naglalaman ng bilyones na shabu sa Alitagtag na JM o Thor, ang amo niya. Kung nakipagtulungan si Ajalon Michael Zarate sa Inter Agency Task Force na binuo para magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa kaso, tiyak magkakaroon ng magandang resulta sa hinaharap, di ba mga kosa? Mismooo!

Sinabi ni Brig. Gen. Eleazar Matta, ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na hindi na sila nakialam sa kaso. Ayon kay Matta, nagpadala siya ng team sa Calabarzon pag-upo niya sa PDEG subalit nakiusap ang tropa ni Lucas na sila na ang mag-follow up sa kaso. Sina Matta at Lucas ay miyembro ng PNPA Class ’95, kung saan si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ay kanilang adopted member. Hayan mga kosa, alam n’yo na kung anong PNPA Class ang “ruling class” sa ngayon. Dipugaaaaa!

Sinabi ni Lucas na nakumpiska na nila ang black Toyota Land Cruiser na minamaneho ni JM nang siya ay maaresto sa Tagaytay City sa Cavite. May isa pang sasakyan na nasa custody ng Task Force. Ang bahay naman ni JM sa Paranaque City ay inupahan lang niya kaya nakipag-coordinate sila sa may-ari nito para makalkal ang mga gamit ng suspects doon.

Patungkol naman sa bank accounts at iba pang assets ni JM, sinabi ni Lucas na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na ang bahala nito. Magkakalinaw ang imbestigasyon ang kaso kapag nagkita-kita na ang Task Force at mag-share ng kani-kanilang natuklasan sa kaso, aniya. Ang sakit sa bangs nito!

Ang yate na ginagamit ng sindikato sa pagpasok ng sako-sakong droga sa Pinas ay nasa-custody na ng Task Force. Hindi pa malinaw kung ano ang aksiyon ng Task Force vs Yatch club sa Nasugbu, Batangas kung saan idinaong ng sindikato ang kanilang kargadang shabu.

Sinabi ni Zarate na may ilang beses din silang naghakot ng shabu sa nasabing Yatch club sa Nasugbu bago aksidente silang nasilo sa checkpoint sa Alitagtag dahil sa traffic violation. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Tinututukan din ng Task Force ang ibinunyag ni Zarate na ginawang discribution point ni JM ang garahe ng isang condotel sa Mandaluyong City. Aniya may isang beses na kinuha niya ang isang Toyota commuter sa Pioneer Place at dinala sa parking ng condotel kung saan ang laman ng Foton Traveller XL ay isinalin sa unang sasakyan.

Pagkatapos nito ibinalik niya ang Toyota commuter sa lugar kung saan niya kinuha. Nagdeliber din si Zarate ng saku-sakong shabu sa parking lot ng isang establishment  malapit sa airport. Araguyyyyy! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Maliwanag sa tinuran ni Zarate na hindi na uso ang buy-bust kapag malakihang shipment ng shabu ang pinag-usapan. Maaring sa maliitang transaksiyon lang ito nangyayari. Kasi nga, ganitong sistema na pinapairal ni JM, bihira ang mahuhul,di ba mga kosa? Teka nga pala! Nag-ooperate pa kaya ang ibang miyembro ng sindikato ng droga ni JM sa bansa? Sal-it! Abangan!

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with