Misis Blue
Dear Dr. Love,
Mainit na pangungumusta ang ipinaaabot ko sa iyo, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Misis Blue. Ako ay 40-anyos na at nag-asawa ako nang ako’y 27-anyos.
Maligaya naman kami ng mister ko at nagkaroon kami ng 4 na anak, hanggang sa magpasya siyang magtrabaho sa ibang bansa.
Limang taon nang nasa abroad ang mister ko at simula nang siya’y mag-abroad para magtrabaho sa Saipan ay hindi na kami nagkita. Nagpapadala lang siya ng remittance para sa aming mga nag-aaral na anak.
Nagtataka ako dahil wala naman kaming pinag-aawayan. Sabi ng ibang kaibigan ko baka may kinakasama na siya sa ibang bansa.
Sabi nga pati ng mga kamag-anak ko, napaka-martir ko raw dahil pinabayaan kong magkaganoon ang aming pagsasama.
Nalilibang ako ngayon sa aking pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan ko sa FaceBook. Para sa akin, mag-asawa pa rin kami kahit limang taon kaming physically separated.
Okey lang ba ang pagtitiis na ginagawa ko, Dr. Love? Pagpayuhan mo sana ako.
Mrs. Blue
Dear Mrs. Blue,
Kung sinisikap mong manatiling faithful sa asawa mo sa kabila ng inyong physical estrangement, okey iyan.
Pero ikaw ba ay gumawa na ng effort para tanungin siya kung bakit hindi siya umuuwi? Nagtataka kasi ako kung bakit tila hindi man lang kayo nag-uusap tungkol sa inyong relasyon.
Mag-usap kayo ng masinsinan. Sa modernong panahon ay may Facetime at Skype na puwede kayong mag-usap sa computer na nagkikita. Hindi n’yo ginagawa iyan? Bakit?
Palagay ko may mga problema na hindi mo inilahad ng buo.
Dr. Love
- Latest