^

Dr. Love

Ang lihim ni Nadia

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love, 

Ikinasal kami ni Ding 6-years ago at sa loob ng mga taon ay lima na ang naging anak namin. 

Ayaw niya sa birth control kahit na hindi kami mayaman at katamtaman lang ang kanyang income.

Nahihirapan na ako sa pagbabadyet at ayaw niya naman akong magtrabaho. Talagang ayaw ko nang madagdagan ang mga anak namin.

Nang muli akong mabuntis, hindi ko ipinaalam sa kanya ang paglilihi ko. Uminom ako ng pampalaglag at agad akong nakunan.

Binabagabag ako ng konsensya ko dahil alam kong kumitil ako ng buhay. Dapat ko pa bang sabihin ito sa asawa ko?

Nadia

Dear Nadia,

Ako ay pro life.  Kapag nabuo ang buhay sa sinapupunan ay walang karapatan ang sino man na kitlin ito.

Ngunit nangyari na, kaya pagsisihan mo na lang ito sa Diyos at huwag na sanang mauulit.

Marahil makukumbinsi mo ang mister mo na gumamit kayo ng kontraseptibo kung sasabihin mong nahihirapan ka na sa pagbubuntis.

Kung mahalaga ka sa kanya at mahal ka niya, walang dahilan para tumutol siya.

Sikapin mo lang na maging mahinahon sa pakikipag-usap. 

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with