^

Dr. Love

Maagang naulila

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Wanda, 20-anyos at panganay sa limang magkakapatid. Patay na pareho ang aming mga magulang at ako na lang ang bumubuhay sa mga kapatid kong puro babae na may kapansanan. Grade 6 lang ang natapos ko.

Nangangalakal ako ng basura at namamalimos.

Ako lang ang mukhang normal. Ang hitsura nila ay maliit ang ulo at parang unggoy.

Hindi ko sila pinalalabas ng bahay dahil tuwing lalabas sila ay binabato sila ng mga bata at tinatawag na zombie. Buti na lang at may kapitbahay kami na mabait na siyang tumulong sa akin upang sumulat sa iyo.

Ano ang gagawin ko?

Wanda

Dear Wanda,

Malupit talaga kung minsan ang iba sa mga taong kakaiba.

Pero ano man ang anyo, lahat ng tao ay nilikha ng Diyos at may karapatan sa mga mabiyayang nasa daigdig.

Patulong ka sa kaibigan mo na dumulog sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan na makatutulong sa iyong pamilya tulad ng Department of Social Welfare.

Sigurado akong malugod kayong tutulungan ng pamahalaan sa kinakaharap n’yong suliranin.

Dr. Love

WANDA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with