^

Dr. Love

Polio victim

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Six years old ako nang dapuan ako ng polio 21 years ago. Umigsi ang kanang paa ko at kailangan kong gumamit ng saklay.

Maganda ako at matalino. Nakatapos ako ng English Literature at nagtuturo sa isa unibersidad.

At the age of 27 ngayon, dalaga pa rin ako. Hindi ko maunawaan kung bakit dumaranas ako ng persecution complex.

May mga manliligaw ako pero ayaw kong magtiwala. Feeling ko kasi, parang gusto lang akong paglaruan sanhi ng aking kapansanan.

May nakilala akong lalaking PDA rin o person with disability. Isa siyang bank manager na nanliligaw ngayon sa akin. Guwapo naman siya at palagay ko, kami ang bagay sa isa’t isa.

But I’m not sure kung mahal ko siya. Baka naghahanap lang ako ng gaya ko na may kapansanan. Please give me your precious advice.

Lota

Dear Lota,

Walang masama kung nakatagpo ka ng life partner na PDA rin. Pero tama ang self-analysis mo: mahal mo ba siya talaga o naghahanap ka lang ng taong tulad mo na may kapansanan.

Kung walang love, forget it. Alisin mo ang duda sa ibang suitors mo. Entertain them and know them well, at piliin mo ang taong mahal mo at mahal ka rin.

Pawiin mo ang damdaming ni-lalait ka ng iba sa kapansanan mong taglay dahil may exceptional ability ka. You are by all means worthy to love kaya pahalagahan mo ang pananaw sa iyong sarili.

Dr. Love

DR LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with