^

Metro

2 suspek sa pagpatay sa franchisee ng Mang Inasal, kinasuhan na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang uusad na ang hustisya sa pananambang at pagpatay sa isang negosyanteng franchisee ng Mang Inasal food chain noong 2014 sa Sampaloc, Manila kasunod nang pagkakadakip at pagsasampa ng kaso sa dalawang suspek, na siyang nagturo sa taong umano’y nag-utos sa kanila upang isagawa ang krimen.

Kinilala ni Mandaluyong City Police chief, P/Senior Supt. Moises Villaceran Jr., ang mga naarestong suspek na sina Richmond Perez, 29, at Jayvee Marinas, 32, kapwa residente ng  Valdez St., sa Sampaloc.

Ang dalawa ay naaresto ng grupo ni SP04 Jose Dre-xell Molina, ng Warrant and Subpoena Section, habang kumakain sa Pares Mami House sa España St., kanto ng Vicente Cruz St. sa Sampaloc, dakong alas-4:30 ng hapon kamakailan, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Teresa Soriaso ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 27.

Ayon kay Molina, sa nakuha nilang impormasyon sa Manila Police District (MPD), lumilitaw na si Perez ang gunman sa krimen at si Marinas naman ang nagmamaneho ng motorsiklong ginamit nila sa pagpatay sa negosyanteng si Mary Li-Cua, 52, ng Green Meadows Subdivision, Quezon City, noong Agosto 9, 2014.

Inamin na umano ni Marinas na tumanggap sila ng P50,000 mula sa kanyang dating employer na isang Romeo Hui Fuentes, para patayin ang biktima. Pauwi na si Li-Cua nang harangin siya ng mga suspek at kaagad na pinagbabaril sa ulo, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Ayon sa mga naares­tong suspek, may malaki umanong utang ang biktima kay Fuentes, kaya niya ito ipinapatay.

Gayunman, lumilitaw sa imbestigasyon na si Fuentes ang may P25 milyong utang sa biktima, na maaaring dahilan kung bakit niya ito ipinag-utos na likidahin.

Bagamat sinabi ni Villa-ceran na itinuro na sa kanila ng isa sa mga suspek ang mastermind sa krimen ay tumanggi na itong magbigay ng anumang pahayag pa dahil nasa hukuman na aniya ang kaso.

Sila rin umano ang nakadakip sa mga suspek matapos na humingi ng tulong sa kanila ang abogado ng pamilya ng biktima dahil may nakapagsabi na madalas makita sa Mandaluyong ang mga ito. Ikinatutuwa naman ng pamilya ng biktima ang pagkakadakip sa mga suspek at sinabing desidido silang ituloy ang kaso laban sa mga kanila at mastermind sa krimen para tuluyang makamit ang hustisya.

Walang piyansa na inirekomenda ang korte para sa pansamantalang paglaya ng mga suspek.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with