P7.5-M Ecstasy nasabat sa Post Office
MANILA, Philippines – Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang P7.5 milyong halaga ng party drug na Ecstasy sa Manila Central Post Office.
Sa isinagawang operasyon ng BOC, umaabot sa 5,000 piraso ng Ecstasy mula Netherlands at amphetamine na nakalagay sa tatlong package ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Ang tatlong package ay may mga pangalang “Don Arnold” at dalawa sa “Martin Domingo”.
Ayon kay Deputy Commissioner BOC Arnel Alcaraz, kadalasang umoorder online and mga drug syndicate gamit ang fake identity at ‘bitcoints’ bilang pambayad.
Ang pagkakakumpiska sa mga illegal drugs ay isinagawa ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, Port of Manila Collection District at Philippine Drug Enforcement Agency.
Sinabi ng BOC na isinasagawa na nila ang mas malalim pang pagsisiyasat upang matukoy and sinumang indibiduwal na sangkot sa illegal activity.
Matatandaang nakakuha rin kamakailan ang BOC ng tinatayang 2,000 piraso ng Ecstasy tablets sa Central Mail Exchange Center (CMEC) noon August 22, at 2.4 kilograms ng cocaine sa Clark International Airport noon August 28.
- Latest