^

PSN Opinyon

Bakit nga ba mahalaga ang paghihilamos ng mukha?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Kailangan maghilamos ng mukha sa umaga at bago matulog sa gabi. Para malinis at gumanda at balat.

2. Hindi po tunay ang kasabihan na masama maghilamos. Maraming naiipon na dumi, muta at bacteria sa mukha. Napaka-oily din ng mukha sa umaga.

3. Kapag hindi tayo maghihilamos ng mukha, puwede magkaroon ng pimples, kuliti (impeksyon sa mata), at pamumula ng mata.

4. Ang pagdami ng muta ay isang senyales na ­maraming mikrobyo na ang iyong mata. Maghilamos na.

Tandaan: Maghilamos ng mukha sa umaga at bago matulog sa gabi. Puwede po maghilamos kahit puyat, ­galing sa trabaho (paggamit ng computer, cellphone, gadget), walang tulog o bagong gising. Puwede magpahinga ng 5 minutes kung gusto, pero kailangan maghilamos pa rin.

Walang koneksyon ang paghilamos ng mata sa pani­ngin. Sa katunayan, mas lilinaw ang iyong paningin kapag natanggal ang muta at dumi sa mata. Take care po.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with