^

Bansa

Higit 40 milyong Pinoy walang inuming malinis na tubig

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 40 ­milyong mga Pilipino ang walang access sa maiinom na malinis at ligtas na tubig.

Dahil dito kaya isinulong ni Agri Partylist Rep. Wilbert Lee ang House Bill (HB) No. 10531 o “Rural Potable Water Supply Act” na naglalayong matugunan ang kakulangan sa malinis na maiinom na tubig ng milyong mga Pilipino partikular na sa mga kanayunan o mga baryo.

“Nakababahala ang data mula sa DENR (Department of Environment and Natural Resources) na 40 milyong Pilipino ang walang access sa malinis at ligtas na tubig. This is a basic human right pero patuloy na naipagkakait sa napakarami nating mga kababayan. Nasaan ang hustisya?”, anang solon.

Sa ilalim ng panukala, sakaling mapagtibay, ­pangungunahan ang pagtatayo ng potable water supply system ng National Water Resources Board sa pakikipagkoordinasyon sa DOH, DENR, DSWD, at DPWH. Prayoridad ng programa ang mga lugar na may problema sa waterborne diseases.

“The Filipinos deserve better, so we should demand better water supply system that would cater to every community in the country. Gamitin natin ang pondo ng gobyerno sa mga makabuluhang proyekto tulad ng pagtatayo ng mga pasilidad na mag-su-supply ng ligtas na inumin sa ating mga kababayan,” sabi pa ng solon.

vuukle comment

WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with