^

Bansa

Philippines pumayag maging ‘tambayan’ ng Afghan nationals na naghihintay ng US visa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumayag na ang gobyerno ng Pilipinas sa request ng United States na kupkupin ang mga mamamayan ng Afghanistan habang ipino-proseso ang kanilang special immigrant visa na ibibigay sa kanila ng Amerika.

Magsisilbing “US immigrant visa processing center” ang Pilipinas ng mga Afghan nationals na ayon sa ulat ay aabot ng 150 hanggang 300 applicants.

Ang mga Afghan ay nagtrabaho para sa US government sa Afghanis­tan at ikinokonsiderang “eligible” para sa US special immigrant visa pero naiwan nang lisanin ng Washington ang nasabing bansa nang manaig ang mga Taliban militants noong 2021.

Unang nang nag-request si US Secretary of State Antony Blinken sa counterpart nito sa Pilipinas noong 2022 at tinalakay ni US President Joe Biden ang kahilingan nang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos sa Estados Unidos noong nakaraang taon.

Ang US government ang sasagot sa gastos nang pananatili ng mga Afghan nationals sa bansa kabilang ang kanilang pagkain, housing, security, medical at transportation expenses.

vuukle comment

VISA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with