^

Bansa

Dengue, nasa outbreak level na — DOH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dengue, nasa outbreak level na � DOH
Sinabi ni Herbosa na nakausap niya ang director ng Epidemiology Bureau (EB) ng DOH at sinabi nitong nasa outbreak levels na ang dengue.
Pixabay

MANILA, Philippines — Malapit na umanong mag-anunsiyo ng dengue outbreak si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa dahil nasa outbreak levels na aniya ang dengue cases na naitatala nila sa bansa.

Sinabi ni Herbosa na nakausap niya ang director ng Epidemiology Bureau (EB) ng DOH at sinabi nitong nasa outbreak levels na ang dengue.

Dahil dito, asahan na aniyang mag­dedeklara siya ng dengue outbreak.

Tumanggi muna si Herbosa na magbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isyu ngunit base sa inilabas na datos ng DOH kamakailan, hanggang noong Agosto 3, 2024, ang dengue cases na naitala sa buong bansa ay tumaas ng 33%, o mula sa 102,374 lamang ay naging 136,161.

Gayunman, nakapagtala rin naman ang DOH ng mas kaunting dengue deaths ngayong taon, na nasa 364 lamang, mula sa 401 noong nakaraang taon.

vuukle comment

DENGUE

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with