^

Bansa

2 barko ng PCG binangga ng CCG sa Escoda Shoal

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 barko ng PCG binangga ng CCG sa Escoda Shoal
Ilang kuha ng pinsalang tinamo ng mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) kasunod ng anila’y “unlawful and aggressive maneuvers” ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea madaling araw ng Lunes, Aug. 19.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasira bunsod ng “unlawful and aggressive maneuvers” ng China malapit sa Escoda Shoal.

Ayon kay National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya, patungo sa Patag at Lawak Islands ang BRP Cape Engeño bandang alas-3:24 ng madaling araw nang gumawa ng delikadong maniobra ang CCG vessel 3104.

Tinamaan ang starboard beam ng barko at nagkaroon ng butas.

Kasunod nito, bandang alas-3:40 ng madaling araw nang dalawang ulit na banggain ang port at starboard ng BRP Bagacay ng CCG vessel 21551 habang naglalayag sa layong 21.3 nautical miles southeast ng Escoda Shoal.

Gayunpaman, sinabi ni Malaya na mananatili lamang sa kanilang misyon ang PCG vessel na makapagdala ng supply sa kanilang mga tauhan sa Patag at Lawak Islands.

Nauna rito, nagsumite ng diplomatic protest ang China dahil umano sa ilegal na pananatili ng PCG vessel BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal kahit ito ay nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone. — Mer Layson

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with