^

Bansa

Estudyante sa elementarya turuan sa pagtatanim

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Estudyante sa elementarya turuan sa pagtatanim
Students filled the grounds of the Concepcion Elementary School in Marikina City during the first day of in-person classes on August 22, 2022.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Habang maaga ay dapat ng turuan sa kahalagahan ng pagtatanim tulad ng gulay at mga puno ang mga bata sa elementarya upang sumulong ang agrikultura sa bansa.

Ito ang nilalaman ng House Bill (HB) 6535 na isinusulong ni 3rd District Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado.

Ayon kay Bordado, kailangang maganyak o mahi­kayat na ang mga kabataan na magtanim ng mga puno, gulay at iba pa.

Binigyan diin ng kongresista na bilang isang bansang malawak ang lupain ay dapat mapagtanto ng mga kabataang mag-aaral ang potensyal ng Pilipinas bilang isang agrikulturang bansa.

Aniya, habang bata pa ay dapat ng mahubog ang interes ng mga kabataang mag-aaral sa pagtatanim na malaki rin ang maitutulong sa pagyabong ng ekonomiya.

Sakaling mapagtibay bilang batas ang HB 6535 ay may mandato sa Department of Education na magtakda ng klase sa agrikultura sa lahat ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa elementarya.

ELEMENTARY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with