Kagitingan ng mga Beterano
MANILA, Philippines — Ngayong Sabado ay ginugunita ang “Araw ng Kagitingan” at sa taong ito ay binigyan ng theme ang event ng “Kagitingan ng mga Beterano, Inspirasyon ng Nagkakaisang Pilipino.”
Ito ay pagbibigay karangalan hindi lamang sa mga beteranong sundalong na namatay o nagsilbi sa bayan, kundi upang alalahanin din ang mga nagbuwis ng buhay mula sa mga sundalo na nakipaglaban para sa ating bansa mula noon sa panahon ng giyera o kapayapaan man.
Ang “The Day of Valor” na tinatawag nga nating “Araw ng Kagitingan” na bilang pagkilala at pagpupugay sa kabayanihan ng mga Filipino at Amerikanong sundalo nang sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas noong World War II.
Inuugnay ang tema sa kasalukuyan para maging inspirasyon ang katapangan ng mga Beteranong sundalo sa pagbubuklod ng bawat Pilipino. Muling ginugunita ang kagitingan at sakripisyo ng ating maalab na beteranong sundalo para pagkaisahin ang mga Pilipino sa patuloy na ikauunlad ng bansa.
Sa anumang aspeto ng buhay at kulay na dinadala lalo na sa nalalapit na eleksyon, bagkus sa bandang huli ay mamamayani ang respeto sa bawat isa para sa mga bagong leader na mamumuno sa ating bansa. Isinasapuso ang inspirasyon mula sa mga beteranong sundalo na bigyan ng pag-asa sa pamamagitan ng lakas sa kapit-bisig ang ating Inang Bayan.
Upang manariwa ang kagitingan ng mga Beteranong sundalong bayani na lumaban noong ikalawang digmaan na siyang ipapasa rin ang kanilang katapangan sa mga susunod na henerasyon na nanalaytay rin sa kanilang mga dugo; ang lahi ng pagiging magigiting na sundalo sa ating mga puso.
- Latest