'Ha? Wala kaya': Chinese Embassy itinanggi militia ships sa West Phl Sea reef
MANILA, Philippines — Pinasinungalingan ng Embahada ng Tsina sa Maynila ang mga balita patungkol sa bagong "incursions" ng gobyerno ng Tsina sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas — bagay na binabanatan na ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of National Defense (DND) at mga aktibista.
Naghain na ng diplomatic protest ang DFA patungkol sa mahigit 220 Chinese militia ships na namataan diumano ng Philippine Coast Guard sa Julian Felipe Reef noong ika-7 ng Marso, bagay na sakop ng EEZ ng Maynila.
Basahin: Pilipinas iprinotesta ang 220 Chinese militia ships sa West Philippine Sea reef
"There is no Chinese Maritime Militia as alleged. Any speculation in such helps nothing but causes unnecessary irritation," ayon sa tagapagalita ng embahada.
"It is hoped that the situation could be handled in an objective and rational manner."
Statement by Spokesperson of the Chinese Embassy
— ChineseEmbassyManila (@Chinaembmanila) March 22, 2021
in the Philippines on the Presence of Alleged Chinese Maritime Militia Vessels at Niu’e Jiao pic.twitter.com/43w6Yp1DJ4
Giit pa ng Chinese Embassy, walang Chinese fishing vessels na nasa "Niu'e Jiao" (tawag ng mga Tsino sa Julian Felipe Reef). Gayunpaman, ilang taon na raw may mga Tsinong nangingisda roon.
"Recently, some Chinese fishing vessels take shelter near Niu'e Jiao due to rough sea conditions. It has been a normal practice for Chinese fishing vessels to take shelter under such circumstances," dagdag nila.
Parte 'raw' ng Tsina kahit hindi naman
Bukod sa pagtanggi na merong milisiya ng gobyerno ng Tsina sa naturang lugar, iginigiit ng Tsina na bahagi ang lugar ng "kanilang teritoryo."
"Niu'e Jiao is a part of China's Nansha Qundao. Chinese fishing vessels have been fishing in its adjacent waters for many years," wika nila. Ang Nansha Qundao ay ang tawag ng mga Tsino sa Spratly Islands.
Sinasabi ng Tsina na Beijing ang may karapatan sa Julian Felipe Reef kahit na 175 nautical miles lang ito kanluran ng Bataraza, Palawan.
Ayon sa Article 56 ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), bahagi ng EEZ ng bansa ang isang lugar kung nasa loob ito ng 200 nautical miles mula sa coast ng isang estado.
"The exclusive economic zone shall not extend beyond 200 nautical miles from the baselines from which the breadth of the territorial sea is measured."
Taong 2016 nang paboran ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ang Pilipinas kontra Tsina pagdating sa arbitration case nito laban sa Tsina pagdating sa ilang bahagi ng South China Sea.
Kaugnay na balita: The verdict: Philippines wins arbitration case vs China
Tanging ang bansa na may EEZ sa isang lugar ang may "soberanyang karapatan" sa mga likas-yaman na matatagpuan sa ilalim ng dagat.
- Latest